Nang nabawi na namin ang Orange Palace ay agad na rin kami bumalik sa GdoubleA para sa pag aaral namin. Walang tao nung nakauwi kami syempre dahil sa anong oras na ngayon at imbis na sa dorm nila tong mga to pumunta dun sila sa bahay namin masyadong masikip para sa lahat. "Rei ayos ka lang ba?" Napatingin ako kay Karen nang makapasok na kami sa kwarto nila. "Ayos lang naman ako hindi ko lang alam kung bakit parang mas pagod ako sa inyo" sabi ko saka umupo sa sofa. "Okay lang yan ate Rei pagod naman po tayo lahat eh" sabi naman ni Seri saka ako niyakap at pumikit "Good night" bulong nya pa. Napangiti naman ako nang makita kong tulog na agad si Seri kahit saan ata makakatulog tong batang to. "Kapag pagod talaga ang bilis makatulog ni Seri" sabi ni Noellie at kinuha si Seri "As the olde