ETERNITY Nakatingin sa akin si Gomer, na para bang hindi siya makapaniwalam sa kanyang nakita. "Wait, naguguluhan ako, sila ang mga anak natin?" naguguluhang tanong ni Gomer sa akin, habang hawak ang dalawang bata. "Yes, hindi ba kapani-paniwala na anak mo sila? tingnan mo ang mga mukha nilang dalawa kung saan nagmana." nakangiti kong sagot kay Gomer. "Now alam ko na ang sinabi sa akin ni mommy na 'hawak ko na pinakawalan ko pa', ang laki kong tanga." ani Gomer na naiiyak na, habang yakap-yakap sina Gunner at Gianni. "Mabuti naman at alam mo, alam kong ito ang pangatlong pagkakataon na nahawakan mo sila at nakita." saad ko. "Hindi na kayo, malalayo kay Daddy, pangako ko sa inyo na aayusin ko ang lahat, at babawi ako sa pagkukulang ko sa inyo." ani Gomer. Lumapit ako sa kanilang

