ETERNITY Nagmamadali na akong kinuha ang susi ng aking sasakyan para pumunta sa bahay ni Gomer, hindi ko alam ang aking gagawin kung may mangyaring masama sa aking anak. Humanda ka talaga sa akin mamaya, Gomer, halos paliparin ko na ang aking sasakyan para makarating kaagad sa bahay ni Gomer. Hindi mawala-wala sa pandinig ko ang iyak ni Gunner kanina no'ng tumaway si Gomer. Halos mag two years kong inalagaan ang aking mga anak pero never ko silang napadugo, or nakitang duguan, dahil talagang bantay sarado sila sa akin kapag ako lang ang kasama nila. Mabilis lang ang beyahe, dahil gabi na, kaagad akong nakarating sa bahay ni Gomer, hindi ko na rin inayos ng park ang aking sasakyan. Nagmamadali akong bumaba ng aking sasakyan, at patakbo akong pumakyat sa room ni Gomer kung saan ang mga bat

