ETERNITY "Bakit sila magkasama?" tanong ko kay Gomer. "Hindi ko rin alam." sagot sa akin ni Gomer. "Ibig sabihin magkakilala silang dalawa?" tanong ko ulit kay Gomer. "Malamang magkasama sila eh." ani Gomer sa akin. "Anong gagawin natin?" tanong ko kay Gomer. "Huwag kang magpapahalata, malayo ang table nila sa atin." ani Gomer. ³ "Hindi ba natin sila lalapitan at tatanungin?" tanong ko. "Huwag, not now, aalamin natin ang kanilang mga galaw, magkunwari tayong hindi natin alam na alam natin na magkakilala sila." ani Gomer. "Alam kong may kinalaman silang dadawa sa akin." wika ko. "Iyan ang iniisip ko." ani Gomer. Hinayaan lang namin silang dalawa, gaya ng sabi ni Gomer, huwag kaming magpapahalatang nakita namin sila. Ngayon unti-unti ko ng nalalaman kunh sinu-sino ang mga taong m