ETERNITY "Aba, ambilis mo namang nakasunod dito? ang lakas din naman ng pang-amoy mo eh ano, ano ka aso?" galit kong tanong sa Tito ko, hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin dito. "Guest siya rito kay matuto kang respituhin ang mga costumer!" mariing sabi sa akin ni Tito. "At sino ka para pakialaman ako, una wala kang karapatan dito, pangalawa baka gusto mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko, kasama ang haliparot na ito!" sigaw ko kay Tito, sabay turo ko kay Mika. "Hoy, babae, sino bang pinagmamayabang mo ha?" singhal sa akin ni Mika. "Gaga, wala akong pinagmamayabang dahil una akin ang hotel na inaapakan mo, kaya kung ayaw mong bayaran ang mga sinira mo police ang dadampot sayo!" galit kong sabi kay Mika. "Eternity, subukan mo!" banta sa akin ng aking Tito. "Talaga, akala m