GOMER Hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman sa sandaling ito, nang mabasa ko ang mensahe galing kay Eternity. Ano kaya ang aming pag-uuspan? Nagreply naman ako sa kanya at tinanong ko kung kailan, at saan kami magkikita. Sobrang saya ko sa mga oras na ito, hihintayin ko na lang ang kanyang reply. Excitement at kaba ang aking nararamdaman kung ano ang kanyang sasabihin sa akin. Sana sa pagkakataong ito ay maging maayos na kami. Ipinapangako kong gagawin at susundin ko ang lahat ng gusto niya maging maayos lang kaming muli. Hindi na ako nagpaalam kina Daddy at Mommy, dahil alam kong galit sila sa akin, ngayon lang ako napagbuhatan ni mommy ng kamay. Tanggap ko naman dahil mali ko naman talaga. Tama na siguro ang pagiging tanga ko, utak naman ang papairalin ko ngayon. Tanggapin ko

