GOMER Rinig na rinig ko ang boses ni Eternity, na tinawag ang pangalang, Gunner at Gianni, 'yon ang mga pangalan ng mga batang lagi akong tinatawag na Daddy. Hindi kaya maga anak ko sila? tanong ko sa sarili ko. Nang tingnan ko ang aking phone ay nakapatay na ito. Pero paanong mga anak ko sila e, nakita ko na ang kanilang ama. Pero ngayon, alam kong kasama ni Eternity ang anak namin, dahil alam ko boses ng bata ang narinig ko kaninang nagsalita ng Daddy. Kailangan kong makausap si Eternity tungkol sa aming anak, hindi ako papayag na tanggalan niya ako ng karapatan sa bata. Ipaglalaban ko ang aking karapatan bilang ama ng aming anak. Hindi tuloy ako makatukog dahil sa sobrang sayo ko, na nalaman na kasama ni Eternity ang aming anak, gutso ko siyang makita at mayakap, napapaisip tuloy ako,

