ETERNITY Sa sobrang takot ko ay hindi ko na namalayan na ang kinakatakutan ko ay nayakap ko na. Nagulat akong hindi siya gumalaw. Naamoy ko ang pabangong gamit niya. Nanlaki ang aking mata nang maalala na ganito rin ang amoy ng pabangong gamit ni Mr. Pyle. Bigla ko siyang naitulak. Kahit hindi ko makita ang kanyang mukha, alam kong galit siya. "S-Sorry," nauutal kong sabi sabay talikod sa kanya. Ngunit bigla niyang hinatak ang aking braso at napasubsob ulit ako sa matitipuno niyang dibdib. Ngayon ko lang din nalanghap na amoy alak siya kaya mas lalo akong kinabahan. Baka kung anong gawin niya sa akin. Nilakasan ko ang aking loob at itinulak ko siya palayo. Hindi na ako nagdalawang-isip na tumakbo paakyat sa aking kwarto. Dahil sa takot ko ay naisip ko na baka ano pang magawa niya sa aki