ETERNITY Napasigaw ako sa sakit dahil sa sobrang init ng tea na tinapon niya sa akin. "Iyan ang napapala ng mga hampaslupa na sumasagot sa akin!" narinig kong sabi ng babae sa akin. "Wala kang karapatang gawin sa akin ito!" sigaw ko sa babae. "At bakit wala?" taas kilay nitong sabi sa akin. Namimilipit na ako sa hapdi ng aking braso dahil sa napaso ito. Tiningnan ko si Mr. Pyle, wala man lang siyang ginawa at hinayaan lang niya ang babae. Lumabas ako ng kanyang opisina na nagmamadali. Kinuha ko ang aking bag at bumaba sa building na iyon para pumunta sa pinakamalapit na hospital at ipagamot ang aking napasong braso. Pinapangako ko sa sarili ko na kapag ako nakalaya sa impyernong ito ay babalikan ko ang mga taong nanakit at umapak-apak sa akin, lalo na sa mga magulang ko. Kaagad ak