ETERNITY "Si Gomer nadisgrasya?" tanong ko ulit kay Mommy. "Oo, Anak." sagot ni Mommy. "Karma na niya 'yan." sagot ko. "Eternity, huwag kang ganyan, marunong kang magpatawad, anak." suway sa akin ni Mommy. "Mom, hindi ko kagustuhan na madisgrasya siya, kaya baka iyan na 'yong karma niya." saad ko. "Babalitaa na lang kita kung ano ang nangyari sa kanya. Tatawagan kita ulit." ani Mommy. "Mom, kahit huwag na po, hindi naman po ako doctor, kahit pa anong nangyari sa kanya hindi ako manggagamot." naiirita kong sabi kay Mommy, dahil wala akong pakialam kung napaano man siya. Matagal na siyang patay sa akin. Pinili niya ang maging ganoon siya kaysa sa akin na sobrang nasaktan noon. "Basta." sagot ni Mommy, sabay baba sa linya. Bumalik na lang ulit ako sa pagkakahiga ko, tiningnan ko muna

