GOMER Hindi ko alam ang aking nararamdaman sa mga oras na ito, bakit sobrang gaan ng loob ko sa dalawang batang karga-karga ko ngayon, at ang amoy nila na pamilyar sa akin. Mas lalu akong nagulat ng yumakap sa akin ang dalawang bata. "Sir, sorry po." sabi sa akin ng kanilang yaya." "No problem." sagot ko naman, saka ko binigay sa kanila ang mga cute na bata, ngunit ayaw nilang pumunta sa mga yaya nila. Kaya kinausap ko silang dalawa na pumunta na sa kanilang mga yaya. Bago sila tuluyang pumunta sa kanilang mga yaya ay humalik pa sila sa aking pisngi. Hindi ko alam ang aking nararamdaman sa ginagawa nilang 'yon sa akin. Kung nandito lang ang kanyang anak sana ay ganito na rin kalaki, pero wala na akong balita mula noong umalis si Eternity. Bago tuluyang nakakayo ang mga bata ay kumaway

