Chapter 19

1200 Words

ETERNITY Dahil walang maupuan kaya nakatayo lang ako sa harapan ng coffee shop na iyon. Sinisilip ko ang babaeng empakta kung tapos na ba siya. Alam kong tapos na siya pero may kausap pa siya sa kanyang phone. Pakiramadam ko talaga ay sinasadya niya ang lahat ng ito para pahirapan ako. Sige lang hanggat kaya ko kakayanin ko, darating ang araw na matatapos din ang lahat ng ito. "Hoy hampaslupa, tara na huwag kang pabagal-bagal diyan!" sigaw niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya hindi na ako sumagot pa para wala ng away. Akala mo naman kung maganda ang empakta puno naman ng make up ang muka. Ang babadoy pa ng mga pinamili niyang gamit. Kanina pa kami palibot-libot sa mall ang dami na niyang pinamili, at iwan kung ano pa ang kulang. Gutom na talaga ako kanina pa kumakalam ang sikmura

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD