ETERNITY Pigil ko ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang bawat yabag ng kanyang mga paa papalapit sa kinaroroonan ko. Taimtim ang aking pagdadasal na sana ay hindi niya ako makita. "Kung sino ka man, lumabas ka na riyan," dinig kong sabi ni Mr. Pyle. Bahala na pero hindi pa rin ako lalabas. Naramdaman ko ang paghinto ng kanyang paglalakad papalapit sa akin. Pinakiramdaman ko muna siya. Parang tumahimik ang paligid kaya nanatili muna ako sa aking kinarooonan. Narinig kong sumara ang pinto. Lumabas na yata siya. Dahan-dahan akong lumabas sa aking kinaroroonan. Nilinga-linga ko muna ang paligid at sinisigurado kong wala na siya roon. Nang wala akong makita ay kaagad akong lumabas sa kanyang opisina. Baka bamalik siya at mahuli pa ako. Hahanapin ko na lang ang aking pakay kapag wala na