ETERNITY Hindi na ako nakaganti pa. Sa lakas ng sigaw sa akin ni Mr. Pyle at galit sa akin ay nakakatakot. Wala akong pakialam kung nasaktan ko ang babaeng nasa harapan ko. Kung wala lang akong iniisip na magulang at kumpanya namin baka napatay ko na ang babaeng ito. "Ano, lalaban ka ha?" galit na tanong ng babae sa akin saka niya hinawakan ang aking buhok. Napangiwi ako sa sakit. "Aray, ano ba!" mahinang sabi ko sa kanya dahil hindi pa rin niya ako binibitiwan. "Tama na," suway ni Mr. Pyle sa babaeng kaharap ko. Binitiwan naman niya ako sabay tulak sa akin. "Pasalamat ka nagpipigil pa ako. Kung hindi makakalbo ka sa aking babae ka! Tandaan mo hindi pa ako tapos sa iyo at sisiguraduhin kong magiging madilim ang buhay mo hangga't nandito ka sa kumpanyang ito!" sigaw sa akin ng babae.