ETERNITY Halos nanginig ako sa aking nalaman mula sa kanang kamay ng aking ama. Hindi ko akalain na mangyayari ito. Poot at galit ang aking nararamdaman sa mga oras na ito. Gusto kong pumatay ng tao, pero pinipigilan ko hangga't hindi ako makakuha nang malakas na ebedensya para balikan ang taong may kinalaman sa lahat-lahat ng nangyari sa amin. Gaganti ako, pinapangako ko sa sarili ko. "Salamat sa magandang balita at sa pagiging tapat mo sa amin," sabi ko sa secretary ng aking ama. "Walang anuman, ma'am. Hangga't kaya ko kayong tulungan gagawin ko kahit sa ganitong bagay lang," sagot niya sa akin. "Sana ipagpatuloy mo pa rin ang pagtulong mo sa amin," sabi ko sa kanya. "Makakaasa po kayo. Tutulungan ko kayo sa abot ng aking makakaya," sagot niya sa akin. "Maraming salamat ulit sa sa