ETERNITY Ilang beses din niya akong tinawag. Pero hindi ako umimik dahil natatakot ako. Naramdaman ko ang kanyang mga yabag na papalapit sa akin. Halos hindi na ako huminga dahil sa sobrang takot ko sa kanya. Pakiramdam kong nakatayo pa rin siya. Ang kati ng aking ilong ngunit handa kong tiisin ito para hindi niya malaman na gising pa ako. Ramdam ko ang kanyang nga yabag na papalayo na sa aking kinaroroonan. Hindi ako matutulog sa gabing ito. Baka kung ano ang kanyang gagawin sa akin. Wala akong kalaban-laban sa laki ng kanyang katawan. Hindi ko na naramdaman na nakatulog na pala ako kagabi. Sabi ko pa naman sa aking sarili na hindi ako matutulog. Pinakiramdaman ko kaagad ang aking sarili kung may nag-iba ba o may masakit ba sa aking katawan. Mabuti na lang at wala. Kaagad koong nilin