SKYE "It's me. One." Napasimangot ako nang magpakilala ang taong nabungaran ko sa labas ng bahay namin pagkabukas ko ng pinto. "I know." "Baka kasi ibang tao ang inaasahan mo." I rolled my eyes at him. "Kung hindi ka nag-text at nagyayang lumabas, baka isipin ko pa na ibang tao." Ala singko pa lang ng umaga, gising na ako. Akala ko ay maaga na 'ko no'n, pero may mas maaga pa pala sa 'kin. Nakatanggap ako ng text kay One at nagyayayang mag-jogging. Medyo nagulat pa 'ko nang tingnan ko kung anong oras niya ipinadala ang mensahe. It was only four in the morning! Dahil wala naman akong gagawin ngayong araw, pumayag na rin ako sa imbitasyon niya. I just texted him to give me thirty minutes to get ready. Sinabi niya rin kasing susunduin niya 'ko dito sa bahay. And exactly after thirty minu