ASH "No. No, no, no!" mariin at sunud-sunod na pagtanggi ni Lynn. "Please, Lynn. Do me a favor. Samahan mo na 'ko sa bar." Pumunta ako sa bahay ng mga Carredano. Sa mga badass girls na t-in-ext ko, si Lynn lang ang tanging sumagot. Kaya naman siya rin ang hiningian ko ng tulong. Hindi ako makakapasok sa bar hangga't wala akong kasamang legal ang edad para makapasok doon. Matalim niya 'kong tiningnan. "Gusto mo bang patayin ako ng kambal, ha, Ash? Kapag nalaman nila na nagpunta ka sa bar, ako ang malalagot sa mga lalaking iyon. Malilintikan din ako kay Lander. And worse, ako ang masasabon ng mga magulang mo." "Tayong dalawa lang naman ang makakaalam. Hindi nila malalaman kung wala sa 'ting dalawa ang magsasabi," pagkumbinsi ko pa sa kanya. Lumapit ako at hinawakan siya sa mga kamay. "