ASH "Huwag mong landiin ang kakambal ko, Ledesma." "Sinong gusto mong landiin ko? Ikaw?" "Gago! Landiin mo na ang lahat, 'wag lang ang kakambal ko." "Nagseselos ka ba, Carredano boy? Malinaw ko namang sinabi sa 'yo na hindi ikaw ang tipo ko. Ang type ko talaga ay si Carredano girl na kakambal mo." "Isa pang panggagago mo, kahit isang metro ay hindi mo magagawang lapitan si Lynn." "Joke! Ikaw naman, kaibigang bayaw, hindi ka na mabiro. Chill! Masyado kang seryoso." "'Wag mo 'kong mabayaw-bayaw, gago." "Hey, Ledesma. You're aware that I'm just here sitting next to you, right?" "Of course, Lynn. I'm fully aware of your beautiful presence beside me." "Then, shut the f**k up. Ang ingay n'yo ni Lander. Hindi ako makapag-concentrate sa binabasa ko." "Hindi ka makapag-concentrate dahil