SKYE Buong maghapon din kaming magkasama ni One sa labas ng rest house nila. Nagkasundo kami na magsaya at wala munang ibang iisipin. Pumayag naman ako dahil ayaw ko na rin munang isipin pa at alalahanin ang nangyayari sa 'min ni Uno. At mukhang gano'n din naman siya. Mukhang iniiwasan din muna niyang alalahanin ang kung ano mang problema nila ni Ash. Just for this day, we want to enjoy this moment without worrying other things. Dinala ako ni One sa mga lugar na madalas niyang puntahan kapag nandito sila sa Batangas. Pinuntahan din namin ang malaking puno kung saan ko unang nakita si Uno at nakuhanan ng picture. Nagkuwentuhan din kami habang naglalangoy sa dagat. Marami rin kaming napag-usapan kaya masasabi kong kahit papa'no, mas nakilala ko siya. And while we're together, I saw the di