CHAPTER 57: IYONG INAAKALA KONG HULING DESISYON KO NA, HINDI NANGYARI. Akala ko kaya kong tiisin si Zareb at ang pagmamahal ko sa kaniya, ngunit hindi ko kinaya. Dumating pa rin talaga ako sa puntong hindi ko kinayang tiisin. Mas nanaig pa rin talaga. Dalawang buwan nang narito si Zareb at sa loob ng isang buwan, ilang beses ko nang nahuli na tumatawag sa kaniya iyong manager niya. Tulad ngayon, hindi na lang basta text message ang natanggap niya sa kaniyang manager kundi ang pagpapaalala na breech of contract ang ginagawa niya. Nakaupo ako sa kama habang naghihintay sa kaniya. Kasalukuyan siyang naliligo dahil paalis kami para mag-grocery. Hawak ko ang phone niya habang naghihintay, hindi ako mapakali. Hindi ko gustong umalis siya sa grupo ng Sexy Seven lalo na't siguradong malaking k