CHAPTER 56: HINDI NA SIYA UMIIMIK HANGGANG SA MAKARATING KAMI SA ISANG PRIVATE MATERNITY CLINIC. Ilang beses kong itinuro sa kaniya ang daan papunta sa kung saan ako nagpapacheck-up pero hindi siya nakinig, itinuloy niya ang pagmamaneho. Nang makababa ako sa sasakyan niya, dali-dali akong lumihis ng daan para umalis. Wala akong kakayahang magbayad ng check up sa isang private clinic kaya kailangan kong umalis. Pero bago pa man ako makaalis, kaagad nang hinawakan ni Zareb ang kamay ko at hinatak pabalik. "Ano ba?! Wala akong pambayad r'yan!" reklamo ko. "I'm the father, I should provide for our baby," malamig na sagot niya. Ilang beses ko pang sinubukang hatakin ang kamay ko para sana makawala pero dahil mas malakas siya, wala akong nagawa kundi ang magpadala na lang. Pagkapasok pa la