CHAPTER 21:

2005 Words

CHAPTER 21: NAGING BUSY SI STEFANO SA TRABAHO NIYA AT SA ARAW-ARAW ay palagi siyang nanghihingi ng pasensya dahil hindi kami makapagkita. Kung mahal ko siya, alam ko sa sarili kong magtatampo at gagawa ako ng paraan para magkita kaming dalawa. Pero parang wala lang iyon sa akin. Sinasabi kong, "okay lang," na totoong okay lang naman talaga dahil wala akong pakialam. Masama na ba talaga akong babae para lokohin nang ganito si Stefano? Kung hindi rin naman kasi siya nagpanggap na si ZDA24, hindi rin naman ako magkakaganito. Kung magpakatotoo lang sana siya no'ng una pa lang, edi walang problema. . . Excited akong makita si Zareb, kagaya ng madalas ay gabi talaga kami nagkikita. Mas gusto namin 'yon dahil bukod sa tapos na ang mga trabaho namin, hindi siya masyadong mapapansin ng mga tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD