CHAPTER 22: NAKITA KO KUNG PAANO SIYA NAPALUNOK NANG SAGUTIN ko ang sinabi niya. Mas lalong nagliyab ang mga mata niya sa pagnanasa. "Don't regret this," bulong niya. Napalunok ako, hindi sumagot. Alam kong may kaunting pagsisi akong mararamdaman sa oras na pinayagan ko siyang gawin ito. Pero gusto ko talaga. . . gustong-gusto ng katawan ko. Pumikit ako nang mariin nang bumaba ang mukha niya sa may dibdib ko. Naramdaman ko ang pagkalas niya ng butones, at sa bawat pagbaba no'n ay ang pananabik ko. Nang tuluyan niyang makalas ang lahat ng butones, naramdaman ko ang daliri niya sa may leeg ko hanggang sa gumuhit iyon papunta sa aking collar bone, hanggang sa tuktok ng suot kong bra. "Z-zareb. . ." Pigil-hiningang dumilat ako at tiningnan ang ginagawa niya. Nilalaro niya ngayon at ina