CHAPTER 36: PIGIL-HININGANG TINIIS KO ANG KABANG NARARAMDAMAN HABANG siya'y nagmamaneho. Ilang beses kong sinubukang umalis sa kaniyang kandungan pero hindi niya ako hinahayaan. "Zareb," saway ko sa kaniya. Pero iyong pananaway na iyon, tila naging malambing pa. Ba't ba ang landi ko? "Hmm?" Abala pa rin siya sa pagmamaneho, nang sumilip ako sa labas ay malapit na kami sa bahay nila. "Paupuin mo na ako nang maayos," sagot ko. "You're sitting on the right spot, babe." Napakagat-labi ako, totoong nakaupo ako sa right spot na sinasabi niya. Nararamdaman kong nauupuan ko ang nasa gitna ng mga hita niya, at mas lalo akong hindi kumportable roon. Magrereklamo pa sana ako pero hindi ko na nagawa nang bumukas na ang gate ng bahay nila. Hindi pa rin ako sanay, iyong gate nila ay isa sa nagpa