CHAPTER 37: AKALA KO NAMAN KUNG ANONG KLASENG TALK ANG GUSTO NIYANG gawin namin. Iyon pala, talk with Sexy Seven ang ibig niyang sabihin. "Siya na ba?" bungad na tanong ni Andrew. Naka-gogle meet kami, silang pito ay nag-uusap ngayon. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa kanila. Ganito ba talaga kapag may girlfriend na ang isa sa myembro? Kailangan ipamalita sa buong grupo? "Yup! See? I told you, she's beautiful," mayabang na sagot naman ni Zareb. Nahiya tuloy ako bigla, ipinagmamalaki niyang maganda ako kahit na para sa akin ay ordinaryo lang naman ang itsura ko. "Yeah, yeah. That may be the reason why you're head over heels to her," sagot ni Nicolai. "Mag-ingat ka r'yan kay Zareb! Nangangagat iyan!" humalakhak si Ryder. Kung ano-ano ang pinag-usapan nilang anim, ipinagtaka k