CHAPTER 6:
MAKAILANG BESES KO NANG BINASA ANG REPLY NI ZDA24 SA AKIN. Ang huling sinabi niya, hindi raw muna siya makakapagreply dahil babasahin niya ang isinulat kong webtoon. At dahil do'n, ilang beses na rin akong nagpa-ikot-ikot sa loob ng bahay ni Nora habang kinakagat-kagat ng kuko ko sa mga daliri.
"Hoy ano bang ginagawa mo? Bakit pabalik-balik ka r'yan?" takang tanong ni Nora nang lumabas siya sa kwarto niya.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Hawak niya ngayon ang mug na kanina lang ay may laman, ngayon mukhang magtitimpla na naman.
"Binabasa ni Vi ang sinulat kong webtoon!"
Tumaas ang kilay niya. "O edi okay, bakit parang aligaga ka r'yan?"
"E kasi naman, 'yong The Doll Who Raped Me Everynight ang binabasa niya!"
Bumilog ang labi niya pagkatapos ay natawa. "E ano naman? Nabasa ko 'yon, ang ganda kaya!"
"Ang daming bed scenes no'n!"
"Natural, erotic-romance. Nakakita ka ba ng ganoong genre tapos walang bed scenes? Ewan ko sa 'yo!" Inilapag niya ang mug sa lamesa at saka sinalinan ng mainit na tubig.
Wala akong nagawa kun'di ang maupo na lang ulit sa sofa dahil wala naman akong mapapala kung magsasabi ako kay Nora. Parang wala lang naman sa kaniya dahil hindi naman siya ang nasa sitwasyon ko.
Mabilis na nagtype ako ng chat kay ZDA24.
Ailith26:
Huwag mo nang ituloy ang pagbabasa! Nakakahiya!
Ilang segundo ang lumipas hanggang sa naging minuto na, pero hindi siya nagreply! Ano na kayang nangyari do'n! Kainis naman!
At dahil curious ako sa sarili kong kwento, sinilip ko ang app na Fine Webtoon at saka tiningnan kung may comment ba siya. At hindi ako nabigo nang makitang nasa episode 50 na siya, matatapos na ang buong season one!
Comment from ZDA24:
This is so hot! I'm sweating!
Nanlaki ang mga mata ko. Nakakahiya, ano ba kasi 'tong pinagdo-drawing ko? Although wala namang nakitang private areas, nakakahiya pa rin. Kung ibang readers ang nababasa kong mag-comment natutuwa ako, bakit siya, hiyang-hiya ako?
Kaya kahit na hindi talaga ako nagrereply sa mga comments ng readers ko. Nag-effort akong magreply sa comment niya.
Reply to ZDA24's comment:
Nakakahiya!
Mayamaya lang ay nagsi-reply na rin ang mga readers ko sa comment ni ZDA24.
Replies to ZDA24's comment:
Elena Sabel: Please notice me, author!
Tootoo Boy: How to be you?
At dumami na nang dumami. Sa inis ko ay kaagad kong ni-back ang app para hindi ko na makita ang comments. Alam ko naman na maganda ang plot ng story ko na 'yon pero hindi ko maiwasang mahiya sa mga bed scene parts. Alam ko naman kasing wala akong alam!
Halos mapatalon pa ako sa kinauupuan ko nang biglang tumunog ang phone ko mula sa chat ni ZDA24.
ZDA24:
How did you write that kind of genre? I thought you're a virgin? Do you usually watch porn?
"Noraaa!"
Nagsisigaw ako, nakakahiya talaga! Sobra!!!
"Ano na naman ba 'yon?!"
"Nagtanong kung paano ako nakapagsulat ng gano'ng klaseng webtoon! Diyos ko, anong isasagot ko?"
"Tell him the truth! You watch porn!"
Nahiga ako sa sofa at pinagpapadyak ang paa ko. Nakakahiya talaga, bakit niya pa tinanong? Malamang!
Mayamaya pa ay muling tumunog ang phone ko.
ZDA24:
Aside from the steamy bed scenes, the plot is good! I'll continue reading this. Gusto kong malaman kung paano nagiging tao 'yong manika.
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago nagtipa ng reply.
Ailith26:
Huwag mo nang ituloy please? Nahihiya na talaga ako, ang lahat ng 'yon ay imagination ko lang.
ZDA24:
I know, but your story is interesting and entertaining. You should be proud, ang ganda ng kwento. Don't worry, I won't judge you.
Ngumuso ako at saka bumangon mula ss pagkakahiga.
Ailith26:
Sa 'yo lang ako nahiya sa kwentong isinulat ko.
ZDA24:
Why? Hindi pa nga tayo nagkikita. Bakit ka nahihiya?
Ailith26:
Kasi baka isipin mo, ang wild kong mag-isip.
ZDA24:
You have such a wild imagination. I wonder if you're wild in person as well, lol!
Ailith26:
Vi naman! Nahihiya na talaga ako.
ZDA24:
Sorry, I can't help it. I'll continue reading the webtoon later. Anong ginagawa mo?
Napahinga ako nang maluwag nang ibahin na niya sa wakas ang topic.
Ailith26:
Nakaupo pa rin. Wala akong magawa e. Sa tingin mo ba ang boring kong kausap? Parang wala kasi tayong ibang topic.
ZDA24:
No, actually you're the only woman in this website that I have talk for three days straight. Hindi ako nakatatagal kapag boring. I find you entertaining.
Ailith26:
Talaga? Entertaining o natutuwa kang asarin ako?
ZDA24:
Both!
Ailith26:
Kainis ka! Hindi naman ako nagbibiro, totoo naman ang sinasabi kong wala pa akong experience.
ZDA24:
Wala naman akong sinabing hindi ako naniniwala. I can feel that you're saying the truth. So anyway, can I call you?
Natigilan ako roon. Bakit gusto niyang tumawag? Ayaw ko!
Ailith26:
For now, ayaw ko na muna. Nakakahiya namang makipagtawagan ngayon.
Humaba nang humaba ang usapan naming dalawa. Sa loob ng dalawang linggo, naging masaya ang usapan namin. Hindi na naging kumpleto ang araw ko kung hindi ko siya i-cha-chat. Sa umaga, tanghali maging sa gabi ay nag-uusap kami. Sobrang na-attach ako sa kaniya. After three weeks, hindi ko alam pero nakakaramdam na ako ng kakaiba.
Parang may kulang, parang gusto ko nang lumevel up.
"Bakit hindi pa kayo magkita niyang si Vi mo? Tatlong linggo na rin kayong naglalandian sa chat," suhestiyon ni Nora.
Abala ako sa commision kong art. Nagpa-comission ako ngayon para kahit papaano ay may pang-budget pa ako. Ayaw ko na kasing maglabas ng pera sa savings account ko.
"Hindi ko alam, nahihiya akong magsabi. Parang wala rin naman kasi siyang binabanggit tungkol sa kung gusto niya bang makipagkita."
"Baka mamaya pala, poser 'yan! Huwag kang mafo-fall d'yan hangga't hindi pa kayo nagkikita," aniya.
Nagkibit-balikat ako. "Hindi naman, curious lang ako sa kung anong klaseng tao siya in person."
"Good."
Nagsinungaling ako kay Nora, ang totoo ay unti-unti na akong naa-attached kay Vi. Unti-unti na akong nahuhulog at natatakot akong baka mamaya hindi niya ako masalo. Kailangan kong pigilan ito lalo na at wala naman siyang ipinapahiwatig na gusto niya ako.
Baka ako lang 'to. O baka wala naman talaga, sadyang na-attached lang ako sa kaniya.
Abala ako sa pagluluto ng sinigang na hipon na tanghalian namin nang tumunog ang phone ko mula sa chat.
ZDA24:
Naranasan mo na bang magkagusto sa taong hindi mo pa nakikita?
Pakiramdam ko ay lumipad ang puso ko sa kabilang ibayo ng mundo nang mabasa ang chat niya.
Ailith26:
Anong ibig mong sabihin? Kagaya ng mga pagmamahal ng fan girl sa isang artista?
ZDA24:
No, like us. Like chatting with someone that you still haven't meet.
Mas lalo akong kinabahan. Ito na ba ang sign? Ito na ba 'yon?
Ailith26:
Paano kung sabihin kong oo?
Matagal bago siya nagreply kaya kinabahan ako nang husto. Kamuntikan pang umapaw ang sabaw ng sinigang na hipon sa kaserola kasisilip ko sa reply niya. At nang tumunog ang cellphone ko, dali-dali ko iyong kinuha.
ZDA24:
Nothing, just asking. How do you feel about it?
Nag-igting ang panga ko. Akala ko pa naman magtatapat na ng feelings. Kaasar!
Ilang beses na akong nagpagulong-gulong sa banig na kinahihigaan ko. Hindi ako mapakali sa kaiisip sa sinabi ni Nora na baka poser si ZDA24. Kaya kahit patulog na ako, naisipan kong i-chat muna siya. Hindi ko na kayang hintayin kung kailan siya magsasabi na magkita kami, ako na ang magkukusa!
Ailith26:
Naisip mo bang makipagkita sa akin balang-araw?
Hindi ko alam kung bakit iyon ang itinanong ko, basta iyon na lang ang sinend ko para hindi ako magmukhang desperada.
ZDA24:
Why? Do you want to meet?
Napalunok ako nang sumagot siya. Kahit na nakakahiya, sasagutin ko na.
Ailith26:
Uhm, oo. Gusto sana kitang makilala nang personal.
Matapos kong i-send sa kaniya ang message na 'yon, hindi ko inaasahan. . .
na hindi na siya muling magrereply pa sa akin.
At sobrang sakit no'n! Para akong tinamaan ng sandamakmak na bala ng baril sa puso. Hindi ko inakala na nang dahil lang sa gusto kong makipagkita, hindi na siya magre-reply sa akin. Kung alam ko lang na titigil na siyang makipagchat nang dahil lang doon, edi sana hindi ko na sinabi 'yon.
"Baka nga kasi poser 'yang si ZDA24! Ikaw naman, bakit dinadamdam mo pa 'yan? Tatlong linggo lang kayong nagkachat pero parang na-fall ka na!"
"Paano kung na-fall nga talaga ako?" malungkot na tanong ko kay Nora.
Nanlaki ang mga mata niya at halos ibuga ang kapeng ininom niya sa akin. Mabuti na lang at nalunok niya.
"Anong sabi mo? Na-fall ka? Gaga ka! Binalaan na kita 'di ba?!"
Bumusangot ako. "Hindi ko naman alam na mafo-fall ako. Alam mo na, baka sa tagal kong hindi nagka-boyfriend, rumupok ako."
"Hay naku! Ang shunga mo!" bulalas niya.
Alam ko naman 'yon, at ang sakit. Palagi kong sinisilip ang inbox ko sa dating website pero hindi na talaga siya nagreply. Sinubukan ko rin siyang i-message ulit pero wala na talaga. Hindi na talaga siya nagparamdam pa.
Ang sakit lang, akala ko pareho na kami ng nararamdaman lalo na at unti-unti niya nang pinaparamdam sa akin.
Napatunayan kong hindi lang simpleng pagka-attach ang nararamdaman ko para sa kaniya, may gusto na pala talaga ako. . .
Ilang araw din akong nagmukmok sa higaan ni Nora. Doon ako nahihiga sa tuwing hindi pa siya natutulog. Palagi tuloy akong inaasar ni Nora na nagpadala ako sa isang poser. E hindi ko naman alam kung poser ba 'yon o hindi!
"Kasalanan mo rin naman kasi! Bakit mo ba nirekomenda sa akin ang dating website na 'yon? Edi sana hindi ako nasaktan nang ganito!" sumbat ko sa kaniya.
"Nirekomenda ko sa 'yo, hindi ko sinabing magkagusto ka sa makakachat mo ro'n!" depensa niya rin.
Ipinadyak ko ang mga paa ko sa higaan at nag-iiyak. Nakakainis talaga! Lagpas isang linggo na magmula no'ng hindi niya ako reply-an pero ang sakit pa rin, sobra!
Imbes na magmukmok sa loob ng bahay ni Nora, nagdesisyon akong magwithdraw ng kaunting pera sa savings ko at magliwaliw sa mall. Kahit papaano ay makahinga manlang mula sa sakit.
Isasama ko sana si Nora ang kaso tumanggi. Ayaw talagang magpahinga sa ginagawa niya kahit na sobrang successful na siya.
Bumili ako ng dalawang pirasong dress sa isang store sa loob ng mall. Kumain ako sa isang fast food restaurant na matagal ko nang gustong kainan pero dahil sa pagtitipid ay tiniis ko. Naglaro din ako sa arcade. In short, gumastos ako ng pera para lang sana makalimot kahit papaano pero hindi nangyari!
Hindi ko siya makalimutan! Good bye 3/4 of my savings!
Nanghihinayang na lumabas ako ng mall bitbit ang napanalunan kong maliit na teddy bear sa arcade at ang paperbag ng damit.
Nakabusangot pa ako hanggang sa. . . Natigilan ako sa paglalakad nang may nakita akong lalaking papasok sa loob ng kotse.
Kumaripas ako ng takbo at mabilis na kinalabit ko siya.
"Vi!" tawag ko.
Lumingon naman siya kaagad. Halatang nagulat siya nang makita ako. Kumakabog ang puso ko nang dahil sa sobrang excitement. Siya talaga ito! Hindi ako magkakamali dahil ilang pictures niya ang sinend niya sa akin!
"Ako 'to! Si Ailith! Sa wakas at nagkita na rin tayo, bakit hindi ka na nagreply?" tuwang-tuwang tanong ko sa kaniya.
Sobrang saya ng puso ko. Ang gwapo niya kahit sa personal. Moreno talaga siya at ang tangkad! Ang ganda pa ng pangangatawan, parang nag-ji-gym.
Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo?"
Tumaas ang kilay ko. "Sus! Huwag ka ngang magkunwaring hindi mo ako kilala. Ikaw si ZDA24!"
Napailing siya at saka isinara ang pinto ng kotse. "Miss, look. Hindi ako ang sinasabi mong ZDA24."
Sumimangot ako. "Ayaw mo talagang makipagkita sa akin 'no?"
Nalungkot ako, siguro nga ayaw niya talaga. Dinukot ko ang phone ko mula sa aking bulsa, binuksan ko ang data connection at pinakita sa kaniya ang chats namin.
"Kung hindi ikaw 'to, sino?" malungkot na tanong ko.
Nakakasama ng loob. Halata sa mukha niya ang pagkagulat nang makita ang chats namin. Mukhang nagulat na nakilala ko siya kahit sa picture ko pa lang siya nakita..
Bumuntonghininga ako. "Sige, ayos lang kung ayaw mo pala talagang makipagkita. Kalimutan na lang natin ang halos isang buwan nating pag-uusap. Bye!"
Tinalikuran ko siya para lumayo. Ang sakit, pero kailangan kong tatagan ang sarili ko at huwag ipakitang nasasaktan ako. Kasi kung ipapakita ko itong nararamdaman ko, mas lalo ko lang kakaawaan ang sarili ko.
"Ailith? Wait!"
Kumabog ang puso ko nang tawagin niya ako. Didiretso pa sana ako sa paglalakad pero mabilis na hinaklit niya ang kamay ko at pinihit paharap sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin. "Ikaw naman, niloloko lang kita. S'yempre alam kong ikaw 'yan!"