CHAPTER 45: AT DAHIL NGA MALAYO KAMI SA PART NG DAGAT KUNG SAAN maraming tao, laka-loob na ipinasuot sa akin ni Zareb iyong kulay orange na bikini'ng binili niya para sa akin. Habang siya'y malokong nakangisi't nakatingin sa akin, ako naman, naiinis na nahihiya. Hindi kasi maalis sa mukha niya ang saya na sinunod ko ang gusto niyang isuot ito. "Ang saya mo ha? Malaya kang makapang-manyak sa akin," sabi ko sa nanliliit na mga mata. "You can also manyak me, babe." Kinindatan niya ako't hinawakan ang kamay ko. "Come on! I know you're drooling over my body too." Sinamaan ko siya ng tingin. Oo nga at maganda naman talaga ang katawan niya, nakakaakit hawakan iyong abs. Pero hindi naman ako kasing manyak niya kung makatingin. Parang gusto na niya akong kainin na ewan e! "Let's swim!" anyaya