CHAPTER 44:

2046 Words

CHAPTER 44: TILA NASEMENTO AKO SA AKING KINATATAYUAN NANG MABILIS NA LUMAPIT SA AKIN ang ilang mga babaeng iyon. Sunod-sunod silang tumakbo palapit sa akin. Hindi ako makagalaw, takot na takot ako at kabado. Hindi ko maramdaman ang sarili kong mga binti. At nang hahablutin na sana ng isang babae ang buhok ko'y may isang lalaking yumakap sa akin, binuhat ako't itinakbo palayo sa kumpol ng mga babaeng naroon. "Si Zareb ba 'yon? OMG!" sigaw ng isang babae. Wala akong ibang naiisip ngayon kundi ang kahihiyan, kundi ang sakit na takot na nararamdaman ko. Mayamaya lang din ay ipinasok niya ako sa kotse at mabilisan iyong ini-lock. Wala pa rin akong imik nang maaninagan sa labas ang nagtatakbuhang mga babae papunta sa direksyon namin. "f**k this!" mura niya. "Bakit hindi ka manlang tumakbo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD