CHAPTER 43: ISA SA PINAKA-KINAIINISAN KONG PARTE NG UMAGA, ay kapag inabutan ng sinag ng araw ang mga mata ko. Kahit pa nakasara ang bintana, tumatagos pa rin ang medyo mainit na sikat ng araw sa umaga. Iyong tipong gusto mo pang matulog, pero wala kang magawa kundi ang bumangon dahil hindi ka na makatulog sa sobrang liwanag. Kinukusot-kusot ko ang mga mata ko at tuluyang bumangon. Antok na antok pa ako kahit na maaga naman akong natulog kagabi. Nang makababa mula sa itaas ng double deck, naabutan ko si Nora na nakanganga pa't humihilik. Napailing na lamang ako't lumapit sa aking lamesa para buksan ang drawer na nasa ilalim no'n. Agad kong kinuha ang cellphone ko't tiningnan kung may text ba galing kay Zareb. Pero wala pa, mukhang tulog pa o kaya'y may inunang gawin. Nag-text lang ako