CHAPTER 42: DALI-DALI KONG INI-DECLINE ANG LAHAT NG REQUEST NI ZAREB. Bahala siya sa buhay niya kung magalit man siya, ayaw ko lang na pareho kaming mapahamak nang dahil sa mga pinaggagawa niya. Hindi ko na muna pinansin ang notifications mula sa social media ko. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang ginagawa kong logo para sa client. Medyo malaki ang commission ko para dito lalo na't sikat na milktea shop ang nagpagawa. Kailangan kong kumayod lalo na ngayong gusto ko talagang pagtapusin ng pag-aaral si Aris. Magaling na ang sugat niya at nagpupumilit na namang magtrabaho kahit na sinabihan ko naman na siyang huwag na at tumulong na lang sa bahay. Abala kami ni Nora sa kani-kaniya naming ginagawa nang muling kumatok iyong kurimaw na nasa labas. "Ipinagluto ko kayo ng menudo! Lumabas kayo r