CHAPTER 31: KAHIT NA WALA PA AKONG TULOG, PINILIT KONG bumangon. Sa loob kasi ng dalawang linggo, ngayon lang kami ulit magkikita ni Stefano. Kagabi pa siya excited, noong tumawag siya. Miss niya na raw akong yakapin. At isa pa, ito ang unang Valentine's day namin. Buong akala ni Stefano, natutunan ko na siyang mahalin. Pero hindi, hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang pagtingin ko para sa kaniya. Para sa akin, para lang siyang isang mabait na kaibigan. Hindi ko pa rin na-i-imagine ang sarili ko, kasama siya hanggang sa pagtanda. Pero siguro gano'n lang talaga 'yon, it's a process, ika nga. Baka kapag pinatagal ko pa, baka sakaling masanay akong nand'yan siya palagi para sa akin. At kapag nasanay ako, hindi ko na kayang mawala siya. Iyon ang gusto kong mangyari. "Sigurado kang ayos ka l