CHAPTER 52: Ailith’s Point of View: LUBOS ANG PAGKABIGLA SA MUKHA NI NANAY AT TATAY NANG SABIHIN KO ang lahat ng nangyari sa akin. Nang tumawag si Aris kanina, nagtatanong siya kung kumusta na raw ba ako dahil nag-aalala sa akin si nanay. Alam na alam talaga niya kapag may problemado kaming mga anak niya. "Paano 'yan ngayon? Anong plano mo?" tanong ni nanay sa akin. "Bubuhayin ko po nang mag-isa ang bata." Nagkatinginan silang dalawa, tila nag-uusap gamit ang mga mata. Mayamaya lang ay napabuntonghininga si tatay at napahawak sa kaniyang sentido. Nakahanda naman ako sa posibilidad na pagalitan nila ako. Dahil sino ba namang mga magulang ang hindi magagalit kung nabuntisan ang anak nila nang dahil sa kagagahan niya? "Kaya mo bang narito ka? Paano kung malaman ng ex-boyfriend mo iyan