CHAPTER 51: NAG-ANGAT NG TINGIN SA AKIN SI NORA NANG MAKITA NIYANG nakalabas na ako mula sa kwarto. Maging si Stefano ay lumingon din sa akin. "B-bakit nandito ka?" mabilis na tanong ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo, dumapo ang mga mata niya sa tiyan ko bago tumikhim. "Let's talk. . . about the baby." Umawang ang labi ko, sinulyapan ko si Nora na ngayon ay hindi makatingin sa akin. Siya ba ang nagsabi kay Stefano na buntis ako? Pero bakit? Wala namang kinalaman si Stefano sa pagbubuntis ko dahil hindi siya ang ama! Bumuntonghininga ako at tumango. Napagpasyahan naming lumabas para makapag-usap. Ayaw ko ring marinig ni Nora dahil naiinis ako sa kaniya. Mamaya lang talaga iyong babaeng madaldal na 'yon sa akin! Sa loob ng kotse niya, doon kami nagpasyang mag-usap. Sa mga unang sandal