CHAPTER 50: PIGIL-HININGANG UNTI-UNTI AKONG DUMILAT PARA SILIPIN ANG RESULTA ng pregnancy test. Nang tuluyan kong maimulat ang aking mga mata, nanuyo ang lalamunan ko. Umawang ang labi ko kasabay ng panginginig at ang pag-usbong ng takot sa aking dibdib. "Ateng? Ano na?" Kumatok si Nora sa pinto. Pero hindi ako makapagsalita. Walang kahit anong tunog ang makalabas sa aking bibig habang nakatitig pa rin sa dalawang kulay pulang guhit sa pregnancy test. Mayamaya pa'y kumawala ang hikbi sa aking bibig kasabay ng tuloy-tuloy na pagtulo ng luha sa aking mga mata. "Ateng?" tawag ni Nora mula sa labas. Ngunit hindi pa rin ako makapagsalita, mas lalong lumakas ang paghugulgol ko. Tila nilalamukos ang puso ko nang dahil sa sakit. "Ateng?! Hoy bakit?!" sigaw ni Nora. Nagsimula nang lumakas ang