CHAPTER 49: HINDI KO NAPIGILAN ANG MAPAIYAK AT MAPAKWENTO kay Stefano. Hindi sa nagpapaawa ako, pero hindi ko lang talaga maiwasa ang sabihin dahil sobrang bigat na ng dibdib ko. "Akala ko magiging okay na kami ngayong lumabas na ang resultang hindi talaga ako anak ng daddy niya. Pero kanina ko pa siya tinatawagan, pinatay niya na ngayon ang phone niya." I sniffed. Parang nilalamukos ang puso ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. Si Stefano ay tahimik lamang na nakikinig sa akin. Patuloy akong uminom sa lata ng beer. Sunod-sunod na lagok ang ginawa ko lalo na't gusto kong malasahan ang pait. "Dahan-dahan lang, Ailith. . ." paalala niya. "It's fine, baka abala lang siya." Ibinaba ko ang lata at nilingon siya. "Kung busy siya, kahit manlang ha o kaya ho ay sagutin niya ako. . ." K