CHAPTER 48: IYONG BANTA NI NOLI SA AKIN NA GAGANTI SIYA, ITO NA AT NARARAMDAMAN KO NA. Matamlay na binuksan ni Zareb ang pinto ng kotse niya nang kumatok ako sa bintana. Madalas, nakangiti ang bungad niya't babatiin ako ng halik, ngunit ngayon, wala. Bumuntonghininga ako at tuluyang pumasok sa kotse. Nang isara ko ang pinto, akala ko aalis na kami pero hindi. Nanatili kami roon. Tahimik ang pagitan naming dalawa at malamig din ang awra. "Mom wants to you to take a DNA test with Dad," malamig na sabi niya. "Even though they both denied it, still we don't know." Ibinaling ko ang tingin sa labas ng bintana. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko't pinigil ang pag-iyak. "N-naniniwala ka bang magkapatid tayo?" "Ailith, we don't know. There's a possibility." Napapikit ako nang mariin. Ang s