CHAPTER 64: Finale. NAGING MASAYA SI ZAIAH SA PAKIKIPAGLARO SA LOLA AT LOLO NIYA. Bagamat naiilang pa rin ako, pinilit ko na lamang iwasang ipahalata na naiilang ako. Ayaw kong sirain ang kasiyahan nila. Bandang alas-syete na ng gabi nang matapos silang maglaro. Pagod rin ang mommy at daddy ni Zareb at nagpasyang magpahinga na dahil aalis pa bukas para magtrabaho. Inilaan lang talaga nila ang araw na 'to para kay Zaiah. "Sabi ko sa 'yo e, sana inihatid mo na kami pauwi," paninisi ko kay Zareb nang makatulog si Zaiah sa kaniyang kandungan. Umiling si Zareb pagkatapos ay ngumiti sa akin. "Don't worry, it's fine. She can sleep here then you can go home now. I'll ask our driver to—" "Pa'no kung ano ayaw ko?" putol ko sa sinasabi niya. Kumunot ang noo niya. "Ayaw mong umwi?" "Ayaw kong u