CHAPTER 63:

2057 Words

CHAPTER 63: KAHIT LABAG SA LOOB KO ANG SUMAMA SA KANILA, PUMAYAG NA LANG DIN ako para kay Zaiah. Simula kasi no'ng araw na kung ano-ano ang sinabi sa akin ng mommy ni Zareb, hindi na sumagi sa isip ko na magkikita pa kaming muli. Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat din ako sa lahat ng masasakit na salitang binitiwan niya sa akin. Nang dahil kasi roon ay mas na-motivate akong magsumikap para iangat ang sarili ko. "Mama, have you seen Lola before?" Bumaba ang tingin ko kay Zaiah nang itanong niya iyon sa akin. Nakita ko naman na napatingin si Zareb sa salaming nasa harap niya, halatang nabigla sa tanong ni Zaiah. Ngumiti ako sa kaniya at saka marahang hinaplos ang maalon at kulay tsokolate niyang buhok. "Yes, nakita ko na siya. Maganda siya, gaya mo." Lumunok ako matapos sabihin 'yon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD