"Dito na tayo titira, Mama?" Tanong sa akin ni Aivan nang makarating kami sa sa condo unit na ibinigay sa akin ng kapatid ko na si Sebastian. "Yes, baby." Kinuha ko ang envelope na naglalaman ng mga papeles ni Aivan para makalipat na sa bago niyang magiging paaralan. Bago kasi kami umalis ng Cebu ay inasikaso ko na muna ang Papers ni Aivan. "Iba na rin 'yung school ko di 'ba, Mama?" Tumango ako at hinawakan ang kamay niya, "Maging good boy ka sa new school mo, ah?" Napangiti ako nang ngumuso siya. "Good boy kaya ako!" Mamayang tanghali ay isasama ko siya sa eskwelahang papasukan niya. Ipapa-enroll ko na kasi siya. Saglit lang kaming magpapahinga at pagkatapos ay babiyahe kami patungo sa school niya. Bandang alas-dose ng tanghali, pagkatapos naming kumain ng pananghalian ay niyaya k