"Bye, Mama." Ani Aivan pagkatapos ay saka niya ako niyakap. Nasa school kami ngayon ni Aivan. Pangalawang araw niya na ngayon sa paaralan. Sabi niya sa akin ay mabuti naman ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase niya. Nagmamayabang pa nga siya dahil may nagkaka-crush na daw sa kanya. "Mag-aral ng mabuti, anak." "Opo, Mama. I love you!" Sagot niya sa akin at pagkatapos ay ini-abot ko na sa kanya ang back-pack niya. "Hintayin mo lang ako sa waiting shed mamaya ah? H'wag na H'wag kang lalabas ng school, huh?" Napangiti naman ako nang mapa-kamot na siya sa ulo niya. Mukhang nakukulitan na sa akin. Kanina ko pa kasi siya pinapa-alalahanan na huwag na huwag lalabas ng school. "Mama naman...." Napa-irap ako at saka ko siya kinurot sa tagiliran niya, "Basta makikinig ka sa akin ha? Makinig