Kinuha ko ang mga gamit ko na nasa mesa. Pakiramdam ko ay parang bumabagal ang oras ng mundo dahil lang sa ginagawang pagtitig sa akin ni Blake. "Sir... Gonzales, ito po ang reseta n'yo and then... Mayroon po kaming ibibigay na gamot sa inyo." Rinig kong sabi ni Nurse Leah kay Blake. "Nurse Leah. Ipaalam mo nalang ako Kila Dra. Enlaycio. May dadaanan pa kasi ako ngayong tanghali." Sabi ko nang makuha ko ang mga gamit ko. Hindi ko na binalingan pa ng tingin si Blake. Pero pakiramdam ko ay titig na titig pa rin siya sa akin hanggang ngayon. "K—Kamusta ka na?" Okay lang ako. Matagal na akong okay. Gusto ko sanang sabihin sa kanya iyon pero ipinagpasya ko na lamang na hindi na lang sabihin sa kanya. Lalo na't narito kami sa mataong lugar. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanya. "Ikaw,