Paulit-ulit akong napalunok. Hindi ko maipaliwanag kung bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko magawang balingan ng tingin si Blake dahil pakiramdam ko ay nakatitig siya sa akin. "Hala, Mama!" Ani Aivan habang turo-turo si Blake sa likuran ko, "Naiyak siya oh!" Mariin akong napapikit bago ako unti-unting tumalikod at nakita ko si Blake na umiiyak. "Ah—sige, mauna na kami." Sabi ko pero bago pa ako makasakay ng sasakyan ay naramdaman ko ang mga bisig niyang nakayakap mula sa likuran ko. "C—Cassandra, please?" "Mama! Niaaway mo ba siya?" Ani Aivan kaya napatingin ako sa kanya. Mabilis akong umiling, "Hindi, baby." Muli kong binalingan ng tingin si Blake, "Nasaan ba ang bahay mo? Pupuntahan ka nalang namin." Tila nagliwanag naman ang mukha niya nang marinig niya ang sinabi k