Mabuti na lang at hindi lumayo si Aivan. Nakita ko siya na nakatayo malapit sa sasakyan namin. Napahinga ako ng malalim nang makita ko siyang umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "A—Akala ko nasa ibang bansa si Papa tapos malalaman ko na lang na nandito din pala siya sa philippines." Kinuha ko ang panyo mula sa bulsa ko at pinunasan ko ang pawis sa noo niya, "I'm sorry, baby." "Sabi mo sa akin, ako lang ang baby ni Papa ko! Pero ano yung nakita ko kanina? May baby siya na iba eh! Kaya pala tuwing birthday ko hindi siya pumupunta satin kasi may baby siya na iba..." "A—Anak..." Muli ko siyang niyakap ng mahigpit, "Kahit naman may ibang baby si Papa mo, at least ako... Baby pa rin kita atsaka, mahal na mahal kita." "C—Cassie..." Lumingon ako at nakita ko si Blake na nasa likur