Chapter 2

896 Words
Panay lamang ang pagbuhos ng luha ko, habang tinitignan ko silang dalawa na pababa na sa hagdan. "Saan ka galing?" Saglit akong napatigil mula sa pag-iyak nang kunot noong tanungin ako ni Blake. "B—Bumili lang ako ng mailuluto ko para sa uulamin natin mama—" "Hindi ako dito kakain." Napatungo na lamang ako at pinilit na pigilan ang pagbuhos ng luha ko. "Baby, who is she?" Narinig ko ang matinis na boses ng babaeng iyon. Muli kong naitaas ang paningin ko at saka ko tinapunan ng tingin ang babae na nakalingkis sa braso ni Blake. Sa unang kita ko pa lang sa kanya, ay pansin ko na ang pagkakaroon niya ng magandang mukha, kutis at pati na 'rin ng katawan. Kung ikukumpara sa akin ang babae ay alam kong wala akong kalaban-laban sa kanya. Sa itsura ko pa lang, wala na talaga. Simula kasi noong maikasal ako ay hindi ko na naalagaan pa ang sarili ko. "Nothing." Blake answered her. Muli akong napayuko at naglakad patungo sa kusina. "Baby, are you feeling well?" Tanong ng babae kay Blake. Tuluyan na akong tumungo sa kusina at inasikaso ang dapat na lulutuin ko. Sa halip na magluto ay inilagay ko nalang sa ref ang ipinamili ko. Panigurado na naman pala na hindi dito kakain si Blake mamaya; kaya magluluto na lang ako ng pritong hotdog. Batid ko na nakita ako ng asawa ko na umiiyak, kanina pa lamang pero para sa kanya ay wala lang sa kaniya iyon, sa tingin ko la nga ay mas naiinis pa siya sa tuwing nakikita niya ako na umiiyak. Hindi ko namalayan na sa kakaiyak ko dito sa kusina ay nakaalis na pala si Balke pati na 'rin ng babae niya. Umuwi lang pala dito ang asawa ko para magawa nila ng babae niya ang kalokohan niya. Muli kong pinunasan ang luha ko at saka marahang hinawakan ang pasa ko sa may braso ko. Ngayon ko lang nararamdaman ang unti-unting pagsakit ng mga pasa at sugat ko. Makalipas ang higit isang oras ay narinig ko ang tunog ng doorbell kaya agad akong lumabas at sinilip sa gate ang taong nasa may labas, "Cassie." Binuksan ko ang gate nang marinig ko ang boses ni Verna. "May dinala akong ulam, masarap 'yan." Aniya at saka iniabot sa akin ang dala niyang ulam. Napangiti naman ako, "Salamat, Verna." Nawala ang pagkakangiti sa labi niya nang makita niya ang pasa sa balikat at braso ko kaya agad kong tinakpan 'yon, gamit ang kamay ko. Naka-sando lang kasi ako. "Cassie. Bakit marami kang pasa? Sigurado ka bang ayos ka lang?" Pansin ko ang pag-aalala sa mukha niya, Marahan akong tumango, "W—Wala lang ito." Hindi na niya napigilan kaya hinawakan na niya ang balikat ko. Sa puntong ito ay hindi ko na nagawang takpan pa iyon dahil tuluyan nang lumabas ang mga luha ko. "C—Cassie..." Naramdaman ko nalang na yakap-yakap na ako ng kaibigan ko. Panay lamang ang pag-iyak ko habang pinapatahan naman niya ako, "Hanggang ngayon ba ay galit pa 'rin sa 'yo ang asawa mo?" Matagal bago ako makasagot sa tanong niya, "H—Hindi ko naman siya masisisi.." "Cass...." Napa-iling na lamang ang kaibigan ko, "Hindi na tama ang ginagawa sa 'yo ng asawa mo." Muli kong pinunasan ang luha ko, pero ang peste ay ayaw naman akong lubayan. "Kung ako ang nasa kalagayan mo ay iiwanan ko nalang ang asawa ko," Sabi niya. "Ang ganda ganda mo kaya! H'wag mong sayangin ang ganda mo sa asawa mo na walang kwenta." "H—Hindi ko kaya..." Hindi ko kayang iwanan ang asawa ko. "Ewan ko ba sa 'yo; kung bakit sobra kang nagpapaka-martyr sa asawa mong 'yan." Sabi niya pero hindi na ako nakasagot pa. Muling napa-iling si Verna. "Basta nasa katabing bahay mo lang ang tinitirhan ko. Pwede mo akong lapitan kapag may problema ka.." May sinseridad na sabi niya. Nagpaalam na ako sa kanya dahil gusto ko munang magpahinga. Nagpasalamat din ako sa kanya. Matapos iyon ay nagtungo muna ako sa extra room namin sa bahay. Ayoko munang tumuloy sa kwarto naming mag-asawa dahil hindi ko masikmura ang nakita ko kanina. Sa kakaiyak ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at bandang alas siyete pa ako ng gabi nagising kaya kumain na muna ako. Hindi pa 'rin nakakauwi si Blake kaya ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. Natapos na akong kumain, nalinis ko na ang pinagkainan ko at natapos na ang tatlong primetime bida sa telebisyon ay hindi pa rin nakakauwi si Blake. Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa at saka i-dinial ang cellphone ni Blake. Naka-ilang ring na pero hindi pa rin niya magawang sagutin ang tawag ko. Pasado ala-una na ng madaling araw pero hindi pa 'rin siya umuuwi. Naglakad-lakad ako sa palibot ng living room, hindi na kasi ako mapakali dahil baka kung napaano na ang asawa ko. Mabilis akong nagtungo sa may bandang pintuan nang marinig ko ang tunog ng makina ng sasakyan ni Blake. "Bakit gising ka pa?" Tanong niya. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay kusa na namang lumabas ang mga luha ko. Naamoy ko na naman ang sa kanya ang presensya ng alak pati na 'rin ng pabangong pambabae sa katawan niya. Napahilamos ako sa aking mukha nang makita ko ang ilang kissmarks sa kanyang puting t-shirt hanggang sa leeg niya. "H'wag mo akong iyakan! Matulog ka na!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD