Chapter 3

793 Words
Tanghali na nang magising ako pero hanggang ngayon ay tulog pa 'rin sa tabi ko ang asawa ko. Nang balingan ko siya ng tingin ko ay nasa malalim pa ang pagkakatulog niya. Napaupo ako mula sa aking pagkakahiga nang maalala kong may pasok nga pala si Blake ngayon. Araw kasi ng huwebes ngayon kaya sigurado ako na may pasok siya sa opisina niya, Nagpasya ako na magtungo na lang sa banyo at doon naghilamos at nagsipilyo, pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina at nagluto ng umagahan para sana kay Blake. Kasalukuyan akong naghahanda ng plato at mga kutsara nang marinig ko ang asawa ko na pababa pa lamang sa hagdanan. "Ahh— yes baby...." Halos mapako ako mula sa aking kinatatayuan nang makita ko siya na may kausap sa cellphone niya, "I missed you too..." Mariin akong napapikit nang marinig ko ang sinabi niya. Ipinagpatuloy ko na lamang ang ginagawa ko. "Anong almusal ko?" Napalunok ako at saka ipinukaw ang paningin ko sa kanya. "M—Meat loaf ang nailuto ko...." Nakita ko naman ang pagtango niya. "Kakain na ako." Bigla akong nakaramdam ng magkahalong saya at lungkot nang marinig ko ang sinabi niya. Umupo na siya sa silya habang ako ay tahimik na nanunuod lamang sa kanya. "Kumain ka na ba?" Halos mapapitlag ako mula sa aking kinatatayuan nang tanungin niya ako, "H—Hindi pa..." "Sumabay ka na sa akin." Seryoso pa rin ang kanyang mukha habang kumakain. Hindi niya ako binabalingan ng tingin. Gusto ko sana siyang sabayang kumain pero wala naman akong gana. Kagabi ko pa kasi nararamdaman ang sama ng pakiramdam ko. "Tatayo ka na lang ba diyan?!" Mabilis akong umupo sa katapat niya at saka nag-umpisa na 'ring kumain kahit pa napakasakit ng lalamunan ko. Pakiramdam ko rin ay sinisilaban na rin ang buong katawan ko sa sobrang init ko. Ilang minuto pa, habang kumakain kami ay biglang tumayo si Blake. Tapos na pala siyang kumain na hindi ko man lang namamalayan. Hindi ko pa natatapos ang kinakain ko ay sinundan ko na siya sa may labas ng bahay. Papasakay na siya ng kotse niya nang magsalita ako. "Mag-iingat ka.." Hindi na sumagot pa si Blake sa sinabi ko, sa halip ay sumakay na siya sa sasakyan at pinaandar na 'yon. Muli na naman akong napahinga ng malalim at saka bumalik sa loob ng bahay. Inumpisahan ko munang ligpitin ang mga pinagkainan namin at pagkatapos ay kailangan ko na 'rin munang magpahinga. Pagkatapos kong hugasan ang mga pinagkainan ay agad akong humiga sa sofa bed at doon ipinikit ang mata. Gusto ko sanang bumili ng gamot sa may tindahan sa labas pero mukhang hindi ko na yata kayang maglakad pa ng malayo-layo. Bago pa ako makatulog ay narinig ko muna ang tunog ng doorbell kaya pinilit kong tumayo. Nakita ko si Verna sa labas ng bahay at may bitbit na namang ulam. Agad niya namang napansin ang panghihina ko kaya kinapa niya ang leeg at noo ko. "May lagnat ka ah?!" Nag-aalalang sabi niya at saka ako dinala sa loob ng bahay namin. "Nasan ba ang magaling mong asawa at nagawa kang iwanan nang ganyan ang lagay mo?" Hindi ko na magawang makasagot pa sa sinabi niya dahil tuluyan nang napapikit ang mata ko. BLAKE "Pare. Hindi ka pa ba nakaka-move on sa nagawa ng asawa mo sa 'yo?" Halos kadarating ko lang sa opisina at bumisita pa ang kaibigan ko dito. "Araw-Araw kang nasa Valkyrie o kahit saan pang night club sa BGC. Lahat na nga yata ng babae sa club ay kilala ka." "So?" "The f**k men?!" Napakunot ang noo ko nang mapalakas ang boses ni Kenneth. "Hindi ka ba naaawa kay Cassie? Baka lang kasi nakalimot ka, na naging kayo for almost six years!" "Bakit?.... Siya ba naawa sa akin?" I asked him. Napatigil si Kenneth bago mapa-iling. "Iba ka na, dude. Sarado na talaga ang isip mo." Sabi niya at saka tinignan ang cellphone niya bago magsalita, "Patay na nga si Lucas pero parang gusto mo pang sumunod si Cassie sa kanya." I sighed. "Hindi ako ang pumatay kay Lucas." "I know." He answered. "Last month pa nahuli ng pulisya ang pumatay sa tropa natin 'tol." Napakibit-balikat na lang ako at kasabay 'non ang pagpasok ng fling ko sa office ko. Napatawa na lang si Kenneth sa akin. "Tang ina ka, men. hindi kaya magka-HIV ka na niyan?" Napa-iling na lamang ako habang natatawa-tawa. "I'm always protected, Men!" Sabi ko at ipinakita ang isang pack ng condom sa kanya. "How about Cassie?" "What about her?" I asked him back. "Alam na ba niya?" Tanong niya. "Anong alam na ba niya?" Umilag ako sa pagtangkang pagbatok niya sa akin. "I mean, Kung alam na ba niya na patay na ang nakabuntis sa kanya noon?" Natatawang sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD