"Lebron James for three!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang ingay ng telebisyon. Binalingan ko ng tingin ang katabi kong nakahiga pa rin ngayon, bagamat bukas ang kanyang mga mata at nanunuod sa telebisyon. "Hindi ka papasok?" Tanong ko nang medyo naka-unat-unat ako. Hindi ko narinig ang pagsagot niya, tanging ang buntong hininga niya lang ang naririnig ko. "Maligo ka na. Mayamaya, aalis tayo." "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya. Mula sa telebisyon ay saka niya ipinukaw ang paningin niya sa akin, "Bithday ni Auntie Lilette. Hindi tayo pwedeng mawala 'ron." Aniya at muling ibinalik ang kanyang paningin sa telebisyon. Napahugot ako ng isang malalim na paghinga bago dumiretso sa banyo. Matapos ang ilang minuto ay natapos na rin ako sa pagligo. Naabutan ko si Blake na inaayos