Nang magising ako ay masakit pa rin ang katawan ko. Nadatnan ko si Blake na tila balisa sa tabi ko. "A—Anong nangyari..." Pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga pero hindi ko kinaya. He didn't look at me, "May problema ba?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi niya ako pinansin, sa halip ay tumayo siya at iniwanan lang ako. Tinignan ko ang paligid. Nasa hospital pala ako. "Are you feeling well?" Tanong sa akin ng doktor. Hindi ko namalayang nasa harap ko na pala ang doktor. "Masakit po ang katawan ko," Pag-amin ko. "You're three weeks pregnant." Aniya. Napalunok ako at muli kong naalala ang nangyari bago ako makatulog. "K—Kamusta na po ang anak ko?" "I'm so sorry, Mrs. Gonzales. Ginawa namin ang lahat para mailigtas ang anak niyo pero masyadong mahina ang kapit ng bata." Aniya.