ARABELLA HINDI ko alam kung saan kami patungo ni Gabriel habang buhat-buhat niya ako. At hindi ko rin alam kung saan ba ako naliliyo: sa kalasingan ba o sa matatamis na halik niya. It’s my first kiss. At hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko na nagre-response ako sa taong alam ko namang pag-aari na ng iba at tiyahin ko pa. Para na akong kakapusin ng hangin dahil hindi pa rin naghihiwalay ang aming mga labi nang maramdaman ko na lumapat ang aking likod sa malambot na kama. Saka lang ako nakaramdam ng kaba nang kumubabaw sa akin si Gabriel. Para akong nahimasmasan na itinulak ko si Gabriel. “T-Tito Gab… this is wrong. Ikakasal ka na kay Tita Ylona bukas,” mahinang pigil ko sa kaniya. Totoo na nakokonsensiya ako sa ginagawa naming ito. At alam ko rin na mali. Pero ang totoong dah

