ARABELLA BISPERAS ng kasal nina Tita Ylona at Gabriel kaya kailangan na raw naming lumuwas ng Laguna. Ayoko sanang sumama pero wala naman akong choice, ‘di ba? Baka magkaproblema na naman ako kina Papa Ramonico at Kuya Aries. I know na hindi pa sila lubos na naniniwalang kinalimutan ko na nga nang tuluyan ang kahibangan ko kay Gabriel at pinipilit na ibaling kay Ruru ang feelings ko. Mabuti na lang at pumayag si Ruru na sumama sa amin sa Laguna nang yayain ko siya. Um-okay din naman sina Tita Ylona kahit exclusive for our family lang daw sana iyon. Alam ko kasi sa sarili ko na hindi ko kakayaning humarap kay Gabriel nang hindi kasama ang kaibigan ko. Dahil hindi naman naniniwala sa akung anong pamihiin si Gabriel at ang pamilya niya, tulad na lang ng bawal magkita ang groom at bride bef

